Friday, August 17, 2012

Kamote

Kamuti
ni Kristian Sendon Cordero


Sigi sana paawan ni Mam
saka magparapatanum sa kamuti.
 Kaya uru-alduw baga baga na kami nag.gigibu
sa pantyung, sadtu namu ipagtatalbung
su mga wakag ku kamuting pigputul-putul
tapus bubu-bu.un ku tubig na galin sa sulung. 
Ang.gan sa biglang nagdakulu,
tapus nagkanap su tinanum namu 
paiyan sadtu tinataklang plagpul
inabut pati su lubad na namung bandira.
Gustu na namung galbutun su tinanum:
kaya lang inungtan pa kami ni Mam.
Diri kunu pakialaman ta sayang su pagal,
oras saka su unud na pwiding makutkut  
pagabut ka panuwun.
Kaya pinabayaan sana namung magkanap
su kamuti, ang-gan sa makalu.ug nadi sadtu rum,
langkaskas ku pagdakulu, lang duag ku mga wakag:
nagkanap paiyan sadtu lamisa ni Mam na agku
mga ritratu ku igin man niya, tapus kin.namang
su kamuti sadtu lubut-lubut namung blakbord,
inabut pati su ritrato ni Rizal saka Bonifacio, 
pati su pangangadyi.an namung ama,
su mga nagigilu-gilung ulaan,
mga librung pig-uuram-uraman
(usad sa tulung iskwila), 
paiyan sadtu bintanang lanang-ib.ug ku talbu,
salug na uru-alduw naming linalampasu
(lalu na kun agku mig.abut na supirbaysur)
ang.gan sa pati naman kami kanapan ku mga wakag 
paiyan sadi payu namu.
Baga na kami tinutunguk, di nakakaiwag,
uda na nababayad, di nakakabasa saka nakakasurat.
Sadtu naman nakaisip si Mam na kutkutun
su unud ku kamuti, kaya pigparakalut ku maestra
ko sa payu namu, usad-usad kami, dipindi sa apilyidu.
Pigparadugkal niya, nagparahanap sa tubuanan,
ipapakaun kunu niya sadtu supirintindent na nagbisita,
kaya lang su nakutkut niya mga gusud na unud.
Kaya nguwan, nagtitius kami ku kulug
saka apri ku mudang sunud-sunud.





KAMOTE
Walang ibang ginawa si Ma’am kundi
ang utusan kaming magtanim ng kamote.
Araw-araw para kaming gumagawa
ng mga nitso, doon namin itinatanim
ang mga wakag ng kamoteng
aming pinutol-putol, at pagkatapos,
umiigib kami ng tubig sa ilog upang
ipandilig sa mga alagang pananim.
Hanggang sa bigla lumaki at gumapang
ang mga sanga ng kamote papunta
sa kinakalawang naming plagpul
naabot pati ang namuti naming bandila.
Gusto sana naming bunutin ang mga kamote:
kaya lang pinagalitan lang kami ni Ma’am
huwag daw naming pakikialaman
dahil sayang ‘yung pagod at oras
at ang lamang-ugat na maari naming
anihin pagdating ng panahon.
Kaya pinabayaan lang namin na gumapang
ang kamote hanggang sa makapasok
na ang mga ito sa loob ng silid-aralan namin,
mas lalong bumilis ang paglaki ng mga kamote
lumaki ang mga wakag nito at nakarating
sa mesa nin Ma’am na may mga larawan
ng anak niya, at pagkatapos gumapang ito
papunta sa mga larawan ni Rizal at Bonifacio
pati sa Diyos na araw-araw naming pinagdadasalan,
pati sa mga sirang upuan namin,
mga aklat na pinagpapasa-pasahan namin
(isa sa tatlong mag-aaral)
papunta sa mga bintana namin na kumapal
na ang alikabok na dumikit, pati sa sahig namin
na araw-araw naming binubunot, nililinis
(lalo na kung may superbaysor na darating)
hanggang sa gumapang ang mga wakag ng kamote
papunta sa aming mga ulo.
Para kaming sinasakal, hindi kami makagalaw
Walang makita, di makabasa at di makasulat.
At nang maisipan ni Ma’am na kutkutin
ang mga lamang-ugat ng kamote,
hinukay nang hinukay ng titser namin
ang aming mga ulo, isa-isa kami,
depende sa apelyido.
Naghukay nang naghukay si Ma’am,
naghanap ng kamote sa loob ng ulo namin
ipapakain niya raw kasi sa bagong dating
na superintendent na nagbisita sa amin,
kaya lang, puros bulok na kamote ang naani ni Ma’am.
Kaya ngayon, nagtitiis kami sa sakit
ng palo at hapdi ng mura ni Ma’am
na natanggap namin sunod-sunod.





SWEET POTATO (translated by Paz Verdades Santos)
All Ma’am does is make us weed
the land and plant kamote.
So every day it seems we dig
our graves, there to inter
our cuttings of sweet potato
then sprinkle them with water from the river.
Until the shoots grow suddenly tall,
then what we’d planted creep and rise
toward the rusting flagpole
reaching our faded banner.
We wanted then to uproot the plant:
but Ma’am spoke in anger.
Leave it be, she said, lest we waste effort,
time, and the fruit we could harvest
at the proper time.
So we left it to creep and clamber, until
the potato plant entered our room,
it grew quite swiftly, its stems were large:
It slithered toward Ma’am’s desk, adorned
with photos of her children, then crawled
up with blackboard bedecked with holes,
up to the pictured of Rizal and Bonifacio,
and even to the image to which we prayed,
it clung to our chairs that wobbled,
to the books we passed and shared
(one for every three pupils),
there to the window in thick dust coated,
the floor which we polished day by day
(especially when a supervisor was expected)
and then the stems inched
toward our heads.
They seemed to pierce us, we could hardly stir,
could see nothing, could neither read nor write.
Then Ma’am thought it was about time to gather
the crop of kamote, so our teacher hoed
our heads, one by one, according to our surnames.
She shovelled deep, searching for where spuds grew,
To serve to the superintendent whose visit was due,
But all she could reap were diseased mouldy growths.
So here we now sit, enduring the pain
and the sting of relentless curses.